Sunday 28 February 2016

Nakedness

Nakaka-liberate ang pakiramdam maisulat dito sa blog ang katotohanan ng nangyayari sa career ko.

Nung una ay ayaw ko ilantad ang mga sikreto ko at ang status ng career ko dahil ayaw ko ma-criticize ng ibang tao ang progress ko.

Masyado big deal ang tingin ko sa sarili ko para hindi maging honest sa sarili kong blog dati. Hindi ko naisip na ang kakulangan ng resulta ay ang tunay na nakaladlad sa mundo.

Sa mga post ko nitong nakaraang mga lingo ay mababasa natin na inamin ko na pabalik-balik pa rin ako sa pinaka-ilalim na  division ng poker kahit na matagal na ako naglalaro.

Ngayon tanggap ko na lahat ng katotohanan na ito at ito ang nagpapa-motivate sa akin ngayon. Nasa akin na ang experience at kaalaman. Na-aral ko na ang mga aralin. Natututo pa rin ako pero ang higit sa lahat ay hinanaharap ko na ang demons ko.

This is the year! Yan ang sinasabi ko. Ang sarap pala sabihin lalu na kung nakikita mo ang sarili mo na naglalaan ng oras para makamit ito at maging grateful sa mga maliliit na bagay.

Ang sarap isipin na kahit na na-stuck ako ay finally, naka-abante rin ako kahit isang step lang matapos ang nakaraang mga taon.

'Di ko inakalang ang simpleng bagay na pagiging 100% honest ay may malaking epekto sa bottom line ng bank accounts ko.




Totoo ang sugal ay maaring makapagdala sa isang tao ng pasakit at pagkatalo, pero nasa naglalaro pa rin nakasalalay kung gugustuhin niya piliin ang mga profitable na laro. Makikita mo agad kung ang isang tao ay nagpapasikat laang o tunay na nagtitiyaga para makamit ang karangalan ng napiling propesyon.

Pasikat talaga personality ko pero buti na lang ay sapamamagitan ng pagiging tapat at reponsable ay may kakayahan parin ang tao matuto at magbago.

This is the year!

No comments:

Post a Comment