Saturday 9 April 2016

1 table

Taas ng variance kahapon nung nag-multiple tables. Masyado madami kailangan isipin lalu kapag sabay ang zoom at hyper turbo na table.

Sakit sa ulo a na stress nanaman ako. Yan tuloy nagpasakop nanaman ako sa habit na pataas ng stakes kahit isang beses laang umakyat sa 3.5 buyin.











 Napagod na ako after 4 hour session ng hapon kaya tinapos ko na kahit down pa. Pero siniguro ko na natapos ako with a small win para mareassure ko ang sarili ko na hindi nawala ang skills na natutunan ko. 

 Bumalik ako maglaro 9:30PM 1 table na 2NL tapos pasungkit sungkit sa .25 spin n go. 

 Kahit na small stakes a challenging pa rin ang game lalu na gabi, puro regulars na talaga. Pero yun din nag paganda dahil hindi ko binabaaan ang intensity ko kasi nga alam ko magagaling.  

Siguro ganun dapat kasi magagaling na rin talaga ang mga tao ngayon. Sabi ni Nathan Williams ay hindi daw macrush everybody pero yun mindset helps as long as you keep in mind you are trying to crush great players para hindi over confident.

Sa swerte naman pag tiyaga sa mga regulars, may sumulpot na isang namimigay ng pera. Eventually ay naubos na rin pera niya at umalis na.

Pero nagstay pa ako para mapatunayan ko sa sarili ko hindi ako takot sa sarili ko magkamali kagaya last time at ready na ako harapin silang ibang regulars.  Hindi na ako nagkamali hanggang matapos ako 3:30Am. Palagay ko kasi umiiwas na rin ako o nagiingat na rin ako hindi maging carried away at wag maulit yung #ihatefolding.

 Siguro mauulit pa uli ang habit na mga ito dahil malalim talaga pagkakatanim ko sa kanila, mga 4 years of play. Pero alam ko aware na o conscious na ako na nangyayari sila at nagnotes na ako ngayon kaya mas maganda chance ko labanan ang mga bad habits na 'yon.  

No comments:

Post a Comment