Tuesday 12 April 2016

Invincible

Meron ako kamoteng idea na umakyat sa NL10.

Ito ang mga facts:
  • Wala pa ako magandang sample sa NL2 at NL5. Puro pangit na record pakikipaglaban sa regulars.
  • Ang bankroll ko ay pang NL2 laang. 
  • Mayroon ako good momentum ngayong araw sa pagkakaroon ng 5 days na maliliit na magandang daily result dahil sa pagsiguro na A-game ang lalaruin ko na session na walang distractions.
  • Kailangan ko magkaroon ng steady income paglalaro ng poker

Hmm... Madali lang dapat ang sagot dito. Pero as a habit ay pinipili ko yung mas mahirap na route, o di kaya ay ang pinaka mahirap na route dahil feeling ko palagi ay invincible ako (na hindi naman totoo).


Anyway, ito ang mga adjustment at learnings ko nun nakaraang week.

  • ito ang binabasa ko sa warm up in addition to notes http://www.blackrain79.com/2015/09/19-crucial-reasons-why-you-arent-having.html
  • sa iPad ako naglalaro 1 table at 5% lang ang chance na magkaroon ako ng distraction sa mismong oras na ito
  • 95% decrease in Zoom games. Bumalik ako sa ring games at kaunting SitnGo games. Napansin ko mas mababa ang variance sa ring games dahil nga hindi nagpapalit ang mga kalaban mo kaya makikita mo paano sila maglaro at magkaroon ka idea ng range of hands na nilalaro nila at kung paano sila magbet. Hint: Extremes ang nagbibigay sa kanila ng weak points specifically sobra sobra magfold o sobra sobra mag-call o sobra sobra magbet.
  • Karamihan sa kalaro mo sa ring games ay regulars at kaya kung mayroon na reckless o "Lasing" ay kitang kita mo agad sila maglaro, at puro sila na lang tinatarget ko at ignore ko na ang mga regulars hanggat maari.
  • Nagsimula na ako magjogging uli sa loob ng mahabang panahon.



Anyway, pinakamahalaga dito ay back to reality muna ako, dati kasi ay sobra sobra paghanga ko sa skills ko, nasanay na ako hindi mag-isip ng best way forward. Hindi ako invincible sa table kaya dapat ay solid ang performance na ibibigay ko para makuha ko ang resulta na pinapanaginipan ko.

Dati puro based on emotion basis ng decision ko, nasanay na ako na ganun, tapos end of the month ko analyze ang mistakes na ginawa ko on and off the table. Baligtarin ko ngayon, sound logic and analysis muna ang basehan ng decision making ko for first 29 days of the month tapos sa huli ko muna ilagay ang emotion. Tingnan natin ano magiging resulta.





No comments:

Post a Comment